Noong Pebrero 18, 2020, kaugnay ng ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pakikibaka laban sa kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), inilahad ni Lin Songtian, Embahador ng Tsina sa Timog Aprika ang mga praktis at natamong bunga ng Tsina sa walong aspektong kinabibilangan ng pamumuno ng pinakamataas na lider at Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga mamamayan para sa mabisang pagpigil sa pagkalat ng kalagayang epidemiko; pagtatayo ng lunsod Wuhan ng dalawang ospital sa loob ng 10 araw, at pagkumpleto ng konstruksyon ng 15 makeshift hospitals sa probinsyang Hubei; pagpapakilos ng lahat ng mga mamamayang Tsino sa kusang-loob na pagkuwarentenas sa bahay sa loob ng mahigit 2 linggo; pangkagipitang pagpapakilos ng mga grupong medikal ng iba pang mga lunsod at probinsya ng buong bansa upang agarang magbigay-tulong sa lunsod Wuhan at probinsyang Hubei; pagpapasimula ng pambansang mekanismo ng magkakasanib na pagkontrol at pagpigil at napakabisang pagpapatakbo nito; paggamit ng 40 taon para sa pagpawi sa karalitaan ng mahigit 800 milyong mahirap na mamamayang Tsino; palagiang paggigiit ng landas tungo sa mapayapang pag-unlad. Diin ni Lin, di puwedeng gawin ng Amerika ang ni isa sa naturang walong punto.
Noong taong 2009, sumiklab ang H1N1 flu sa Amerika. Noong una'y idineklara sa labas ng pamahalaang Amerikano na "di-kailangang mag-alerto" tungkol dito. Pagkatapos ng 6 na buwan, ipinatalastas nito ang pagpasok sa state of emergency na nagbunsod ng pagkalat ng H1N1 virus sa 214 na bansa't rehiyon, pagkahawa ng mahigit 60 milyong mamamayan sa buong mundo, at kamatayan ng halos 300 libong katao. Sa kasalukuyan, tinatamaan ng kalagayang epidemiko ng Influenza B virus ang mga mamamayang Amerikano. Ayon sa ulat ng American Center for Disease Control and Prevention (CDC), hanggang sa kasalukuyan, di-kukulangin sa 22 milyong mamamayang Amerikano ang nahawa sa influenza, at 12 libo sa mga ito ang namatay na.
Sa harap ng tulad na kalagayang epidemiko, bakit naging napakalaki ng pagkakaiba ng ipinakitang pagkilos ng Tsina at Amerika? Tinukoy ni Sara Flounders, manunulat na pulitikal ng Amerika, na ang mga ginagawang hakbangin ng Tsina sa pakikibaka laban sa kalagayang epidemiko ay lubos na nagpapakita ng bentahe ng sosyalismo. Aniya, habang nagaganap ang krisis, may kakayahan ang Tsina sa paggawa ng pinaka-angkop na desisyong di kinukontrol ng capitalist profit.
Tinukoy pa ni Embahador Lin na ang dahilan sa likod nito ay palagiang pagpapauna ng CPC sa kapakanan ng mga mamamayan, at paggarantiya ng sosyalismo sa komong kapakanan ng lahat ng mga mamamayan. Ngunit pinuproteksyunan ng kapitalismo ang kapakanan ng iilang tao lamang, dagdag pa niya.
Salin: Lito