|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Thongloun, na matagumpay ang espesyal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa epidemiya ng novel coronavirus disease (COVID-19), at pulong ng mga ministrong panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation na idinaos kahapon sa Vientiane. Ipinakikita aniya ng mga pulong na ito ang determinasyon ng mga bansang ASEAN at Tsina, na magtulungan para magkakasamang harapin ang kahirapang dulot ng epidemiya.
Hinahangaan din ni Thongloun ang malaking pagsisikap na ginagawa ng Tsina bilang paglaban sa epidemiya ng COVID-19. Nananalig aniya siyang pagtatagumpayan ng Tsina ang epidemiya sa lalong madaling panahon.
Sinabi naman ni Wang, na may mainam na tradisyon ng pagtutulungan at pagkakatigan ang Tsina at mga bansang ASEAN. Makakatulong aniya ang katatapos na mga pulong sa pagpapasulong ng pagkakaisa at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN, at pagpapalakas ng kakayahan ng rehiyong ito sa pagharap sa mga pangkagipitang pangyayari ng kalusugang pampubliko.
Isinalaysay din ni Wang ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina laban sa epidemiya ng COVID-19. May kompiyansa at kakayahan ang Tsina, na puksain ang epidemiya sa lalong madaling panahon, at isakatuparan ang mga nakatakdang target sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |