Binigyang-diin kahapon, Martes, ika-25 ng Pebrero 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kahalagahan ng matatag na pag-unlad ng agrikultura, para magbigay-suporta sa paglaban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagsasakatuparan ng mga nakatakdang target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Winika ito ni Xi, sa pambansang teleconference hinggil sa pagtatanim sa tag-sibol. Hiniling niyang, batay sa magkakaibang kalagayan ng epidemiya sa iba't ibang lugar, isagawa ang mga angkop na hakbangin para sa napapanahong pag-oorganisa ng pagtatanim sa tag-sibol. Ito aniya ay mahalaga para sa paggarantiya sa suplay ng mga butil at pagkain.
Salin: Liu Kai