|
||||||||
|
||
Isinalaysay ni Li Chengchun, Pangalawang General Manager ng Samsung Electronics Suzhou Semiconductor Co. Ltd, na balik-trabaho na ang mahigit 95% ng mga empleyado ng kompanya. Matatag aniya ang produksyon ng pabrika, pagkaraang nalutas, sa tulong ng pamahalaang lokal, ang kakulangan sa mga kinakailangang materyales.
Sinabi naman ni Jiao Wenjia, isang ehekutibo ng Doosan Mottrol Jiangyin Co. Ltd, na, umabot sa 94% ang napanumbalik na produksyon ng kompanyang ito. Sa kasalukuyan aniya, araw-gabing tumatakbo ang mga makina ng pabrika, para mapunan ang epekto sa produksyong dulot ng epidemiya.
Inilabas naman ng Meiji Dairies Suzhou Co. Ltd ang planong mamuhunan pa sa darating na Marso ng 150 milyong yuan RMB, para dagdagan ang kapasidad sa produksyon mula 100 libong tonalada kada taon hanggang sa 162 libong tonalada.
Ayon naman kay Ren Hongbin, Asistanteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, sa susunod na yugto, patuloy na tutulungan ng mga pamahalaang lokal ang mas maraming bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang dayuhan, para maging normal ang operasyon ng mga pabrika at kumpanya, at igagarantiya ang pagsuplay ng mga hilaw na materyal sa naturang mga bahay-kalakal. Ito aniya ay para patatagin ang global supply chain.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |