Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, nitong Martes, ika-25 ng Pebrero 2020, 406 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mainland ng Tsina. Kabilang dito, 5 lamang ang mga kaso sa labas ng lalawigang Hubei, lugar na pinakamalubha ang epekto ng epidemiya.
Ayon pa rin sa estadistika, hanggang kahapon ng hatinggabi, naitala sa mainland ng Tsina ang 45,604 may-sakit ng COVID-19, at mahigit 90% sa mga ito ay nasa Hubei.
Samantala, 29,745 ang mga gumaling, at 2,715 ang namatay.
Salin: Liu Kai