Sinabi nitong Martes, Pebrero 25, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na mahigpit na sinusubaybayan ng panig Tsino ang kalagayan ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Hapon at Timog Korea.
Aniya, nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa nasabing dalawang bansa, talakayin ang pagpapalakas ng magkakasanib na pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at magkakasamang isagawa ang angkop at kinakailangang hakbangin, upang mabisang pigilan ang transnasyonal na pagkalat ng epidemiya, at pangalagaan ang seguridad ng kalusugang pampubliko ng rehiyon at buong daigdig.
Salin: Vera