|
||||||||
|
||
Ipinahayag Pebrero 27, 2020, sa Geneva, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Direktor ng World Health Orgnization (WHO), na hanggang 6:00 ng umaga ng Pebrero 27, bukod sa Tsina, umabot sa 3,474 na kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa 44 na bansa ng daigdig, at 54 ang namatay.
Naging malubha ang epidemiya sa Iran, Italya, at Timog Korea. Naganap naman ang unang kumirmadong kaso sa 7 bansa na kinabibilangan ng Brazil, Georgia, Greece, Hilagang Macedonia, Norway, Pakistan, at Romania.
Sinabi ni Dr. Tedros na sa kasalukuyan, ang mga lugar sa labas ng Tsina ay naging pinakamalaking pagkabalisa. Pumasok sa masusing panahon ang paglaban sa epidemiya ng buong mundo, kaya dapat agarang isagawa ng iba't ibang bansa ang aksyon. Ayon sa karanasan ng Tsina, kung isasagawa ang tumpak na aksyon, maaaring makontrol ang epidemiya.
Ayon sa pagtaya ng WHO, sa kasalukuyan, kinakaharap ng mga 30-40 bansa sa buong mundo ang mataas na panganib ng pagkalat ng COVID-19.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |