Hiniling ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na palakasin ang medikal na pananaliksik, para matamo sa lalong madaling panahon ang mas malaking breakthrough sa pagdedebelop ng mga episyenteng detection reagent, mabisang gamot at bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Winika ito ni Li sa kanyang paglalakbay-suri kahapon, Biyernes, ika-28 ng Pebrero 2020, sa isang pambansang emergency platform para sa mga gamot at kagamitang pangtugon medikal sa epidemiya ng COVID-19. Siya rin ang puno ng sentral na namumunong grupo hinggil sa mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiyang ito.
Salin: Liu Kai