Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-28 ng Pebrero 2020, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director-General ng World Health Organization (WHO), ang pag-aangat sa "very high" mula sa "high" ng pagtasa sa peligro ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig.
Sinabi ni Tedros, na ginawa ng WHO ang desisyong ito, dahil kumakalat ang naturang sakit sa maraming bansa, at malubha ang kalagayan sa ilan. Dagdag niya, umiiral pa rin ang pagkakataon para pigilin ang sakit, kahit lumiliit ang pagkakataong ito.
Salin: Liu Kai