Sa news briefing na idinaos kahapon, Biyernes, ika-28 ng Pebrero 2020, sa Geneva, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director-General ng World Health Organization (WHO), na sa kasalukuyan, idinedebelop sa buong daigdig ang mahigit 20 uri ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Samantala aniya, isinasagawa ang clinical test ng ilang paraan ng paggagamot sa sakit na ito, at lalabas ang inisyal na resulta sa loob ng darating na ilang linggo.
Binigyang-diin din ni Tedros, na sa halip ng virus, ang kasalukuyang pinakamalaking kaaway ay pananakot, di-totoong impormasyon, at paninirang-puri. Ang pinakamahalaga ay katotohanan, pagiging makatwiran, at pagkakaisa, dagdag niya.
Salin: Liu Kai