Kaugnay ng pagdedeklara ng World Health Organization (WHO) na "very high" ang peligro ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig, sinabi kahapon, Biyernes, ika-28 ng Pebrero 2020, ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), na ito ay hindi panahon para sa pananakot, pero para gawin ang lubos na paghahanda bilang pagharap sa epidemiya.
Nanawagan si Guterres para sa pagkakaisa at pagtutulungan ng buong daigdig. Maaasahan din ng iba't ibang bansa ang suporta ng UN at WHO, dagdag niya.
Salin: Liu Kai