Inilabas kahapon, Biyernes, ika-28 ng Pebrero 2020, sa pahayagang USA Today, ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, ang artikulong may pamagat na "China Has Erected a Great Wall of Disease Control."
Sinabi ni Cui, na sa pamamagitan ng pinakamalaking pagsisikap ng buong bansa, pagsasagawa ng mga mabisang hakbangin, at pagbibigay sa loob at labas ng bansa ng mga impormasyon, itinayo ng Tsina ang Great Wall para sa pagkontrol sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Tinukoy niyang, sa panahon ng paglaban ng Tsina sa nakikitang virus mula sa kalikasan, sinasadyang pinapalaganap ng ilang tao ang mga "political virus" at "information virus," na nagresulta sa pagkiling at pagtatangi. Ang mga di-nakikitang virus na ito aniya, ay mas masama kaysa coronavirus.
Sinabi rin ni Cui, na walang hanggahan ang pagkalat ng sakit. Ang kasalukuyang di-inaasahang epidemya ay nagpapaalaala sa lahat ng tao kung gaano kahina ang sangkatauhan at kung gaano kahalaga ang pagtulong sa isa't isa sa harap ng kahirapan, diin niya.
Salin: Liu Kai