Sa pulong ng United Nations Human Rights Council na idinaos kahapon, Biyernes, ika-28 ng Pebrero 2020, sa Geneva, Switzerland, pinakli ni Jiang Duan, mataas na diplomata ng Misyon ng Tsina sa Geneva, ang mga maling pananalita ng Australya, Britanya, Belgium, Iceland, Luxembourg, at ilang non-government organization, hinggil sa isyu ng Xinjiang at isyu ng Hong Kong.
Sinabi ni Jiang, na ipinakikita ng naturang mga maling pananalita ang pagkiling at pagmamalaki ng mga may kinalamang bansa at organisasyon. Hinimok niya silang, itigil ang walang batayang pagbatikos sa Tsina.
Salin: Liu Kai