Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinalabas nitong Sabado, Pebrero 29, 2020 (local time), ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang pahayag bilang mainit na pagtanggap sa nalagdaang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Amerika at Taliban ng Afghanistan.
Anang pahayag, tinatanggap ni Guterres ang ginagawang pagsisikap ng iba't-ibang panig para maisakatuparan ang pangmalayuang kalutasang pulitikal sa isyu ng Afghanistan.
Diin din ni Guterres, para sa kapakanan ng lahat ng mga mamamayang Afghani, dapat patuloy na bawasan ang marahas na aksyon sa buong Afghanistan.
Hinihikayat pa niya ang iba't-ibang panig na patuloy na magsikap para makalikha ng mabuting kondisyon sa komprehensibong prosesong pangkapayapaan ng Afghanistan.
Salin: Lito