|
||||||||
|
||
Dalawang buwang palugit ang ibibigay ng Tsina sa VISA ng lahat dayuhang nasa bansa, sa panahon ng epidemiya.
Ito ang ipinahayag, Marso 1, 2020 ni Liu Haitao, Opisyal ng Pambansang Kawanihan sa Imigrasyon ng Tsina.
Aniya, sa panahon ng paglaban sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), awtomatikong dalawang buwang pahahabain ang panahon ng pananatili ng mga dayuhan sa Tsina.
Sa loob ng panahon ng palugit, di-kailangang gumawa ng ibang hakbangin ang mga dayuhan sa bansa, at maaari silang legal na manatili sa Tsina, o magpunta sa ibayong dagat.
Ipinahayag din ni Liu na sa kasalukuyan, nananatili ang pakikibaka ng Tsina sa epidemiya, at para mabawasan ang pagtitipun-tipon ng mga tao, ipinalabas din ng Pambansang Kawanihan sa Imigrasyon ng Tsina ang online na serbisyo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |