Sinabi kahapon, Lunes, ika-2 ng Marso 2020, sa Geneva, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na bagama't kumakalat sa maraming bansa ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), hindi pa ito "pandemic" o malawakang epidemiya. Dahil aniya, ang higit na nakararami sa mga kaso ay galing sa isang lalawigan ng Tsina at 4 pang bansa, at wala pang naiulat na "community transmission" sa buong daigdig.
Sinabi rin ni Tedros, na sa kasalukuyan, posible pa rin ang pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at ito ay dapat bigyang-priyoridad ng lahat ng mga bansa. Dagdag niya, dapat isagawa ang napapanahon at agresibong mga hakbangin, para pigilin ang pagkalat ng sakit at iligtas ang mga buhay.
Salin: Liu Kai