|
||||||||
|
||
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/657446844991978/
1. TSINA, IBINABAHAGI SA MUNDO ANG KARANASAN AT KAKAYAHAN SA PAGLABAN SA COVID-19
2. BAKUNA, NASA ANIMAL TESTING NA
3. BAGONG DATOS KAUGNAY NG COVID-19
Paksa 1
* Sa kanyang pagbisita kamakailan sa Academy of Military Medical Sciences at Science and Technology Ministry ng Tsinghua University, sa Beijing, ini-atas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mabilisang pagdebelop ng epektibo at ligtas na bakuna, gamot, at testing kit para labanan ang COVID-19.
*Kailangang mahanap ang pinanggalingan ng COVID-19 sa pamamagitan ng Artificial Intelligence (AI) at big data analysis para mapabuti ang akurasiya at episiyensya ng panggagamot.
* Palalakasin aniya ng Tsina ang pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan sa World Health Organization (WHO), at pahihigpitin ang kooperasyon sa mga may-kaugnayang bansa, sa mga aspektong gaya ng paghanap sa pinangmulan ng virus, gamot, bakuna at pagsusuri.
* Kaugnay nito, sinabi kahapon ng World Health Organization (WHO) sa Geneva, na ekselente ang salitang maaaring maglarawan sa ginagawang pagbabahagi ng kaalaman ng Tsina para labanan ng maraming bansa ang novel corona virus disease 2019 (COVID-19).
* Ayon kay Maria van Kerkhove, Technical Lead ng Health Emergencies Program ng WHO, ang ekselenteng halimbawang ipinakikita ng Tsina sa pagbabahagi ng kaalaman ay mahalagang matutunan ng iba pang bansa.
* Matatandaang noong Pebrero 25 at 26, nag-abuloy ng mga medikal na kagamitan ng Tsina sa Iran at noong Pebrero 29, dumating naman ang mga ekspertong Tsino sa bansa dala ang iba pang medikal na kagamitan.
* Sa kabilang dako, nakatakda ring magpadala ng 1,000 thermal detectors ang Tsina sa Ehipto upang panlaban sa paglaganap ng COVID-19, ayon kay Health and Population Minister Hala Zayed.
* Maliban dito, ipagkakaloob din ng Tsina sa Ehipto ang updated version ng technical documents na naglalarawan sa mga hakbang upang maiwasan ang epidemiya.
Paksa 2
* Nasa animal testing phase na ang mga kandidatong bakunang panlaban sa COVID-19 sa lalawigang Anhui, ayon sa press conference on epidemic prevention and control noong Pebrero 20.
* Sinabi ni Pu Jiang, General Manager ng Anhui Zhifei Longcom Biopharmaceutical Company - kaisa-isang developer ng bakuna ng COVID-19 sa lalawigang Anhui, walang-tigil na nagtatrabaho ang mga mananaliksik upang mai-debelop ang bakuna, at ngayon ay sinusubukan na nga ang mga kandidato sa hayop.
* Sa ngayon, ang bakuna ay nasa preclinical research phase, at tapos na ang vaccine design, at ang susunod na hakbang ay pagsusuri para tingnan kung ligtas itong gamitin.
* Ang animal testing ay nasa maagang kabanata pa ng vaccine development at kailangan pa ng panahon upang maisiguradong epektibo at ligtas ito para sa tao, ayon sa Chinese Center for Disease Control and Prevention (CDC).
Paksa 3
* 2,652 bilang ng lumabas sa ospital, Marso 3, 2020
* 49,856 katao ang kabuuang bilang ng mga gumaling
* 119 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, Marso 3, 2020
* 80,270, kabuuang bilang ng kaso
* 38 ang pumanaw, Marso 3, 2020, at 2,981 ang kabuuang bilang ng pumanaw
SOURCE:
https://www.chinadaily.com.cn/a/202003/04/WS5e5f1403a31012821727c2fc.html
https://newsaf.cgtn.com/news/2020-03-04/China-to-provide-1-000-thermal-detectors-to-Egypt-for-COVID-19-fight-OzngwVpIcw/index.html
http://hefeihightech.chinadaily.com.cn/2020-03/02/c_459323.htm
https://filipino.cri.cn/301/2020/03/04/102s166636.htm
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |