|
||||||||
|
||
Sa pinakahuling ulat na inilabas Marso 3, 2020, ng World Health Orgnization (WHO), hanggang ika-10 ng umaga kahapon (Central European Time, CET), umabot sa 10,566 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 72 bansa (bukod sa Tsina), at 166 ang namatay.
Ayon sa ulat, kumpara sa datos noong Marso 2, bukod sa Tsina, 1792 ang karagdagang kumpirmadong kaso sa buong mundo. 8 bansa naman ang nagkaroon ng bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 na kinabibilangan ng Andorra, Jordan, Latvia, Morocco, Portugal, Saudi Arabia, Senegal at Tunisia.
Ipinahayag ng WHO na dapat lubos na subaybayan ang pagdami ng kumirmadong kaso sa rehiyong Silangang Mediterranean. Kailangang palakasin ang pagsusuperbisa sa rehiyong ito para makontrol ang epidemiya.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |