Nangulo nitong Martes, Marso 3, 2020 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina, kung saan tiniyak ang mga hakbanging susuporta sa pagpapanumbalik ng operasyon ng transportasyon, express delivery at sektor ng logistics.
Ipinasiya sa pulong na pag-iibayuhin ang lokal na suportang pinansyal, at patataasin ang kakayahan sa paggarantiya sa pundamental na pamumuhay ng mga mamamayan, sahod at normal na operasyon.
Tinukoy rin sa pulong na lubos na patitingkarin ng bansa ang papel ng mekanismo ng koordinasyon ng makro-patakaran, kalakalan at puhunang panlabas, at katatagan ng pinansya, napapanahong itatakda ang mabibisang katugong hakbangin, at palalakasin ang lakas-panulak na panloob, para mapanatili sa makatwirang antas ang takbo ng kabuhayan sa buong taon.
Salin: Vera