|
||||||||
|
||
Winika ito ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa preskong idinaos kahapon, Miyerkules, ika-4 ng Marso 2020, sa Beijing.
Nauna rito, inilabas ng Qihoo 360, internet security company ng Tsina, ang ulat na nagsasabing batay sa imbestigasyon, isinasagawa ng Central Intelligence Agency hacking group (APT-C-39) ang 11-taon nang cyber infiltration at attack program sa mga pangunahing sektor ng Tsina, na sumasaklaw sa kalawakan, abiyasyon, siyentipikong pananaliksik at pagdedebelop, industriya ng langis, mga kompanya ng Internet, at mga ahensiya ng pamahalaan.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Zhao, na nitong mga taong nakalipas, sa pamamagitan ng Wikileaks, kaso ni Edward Snowden, kaso ng Swiss company na Crypto AG, at iba pa, naibunyag ang maraming cyber theft, surveillance at attack na isinagawa ng pamahalaan at mga departamento ng Amerika laban sa mga pamahalaan, kompanya, at indibiduwal ng ibang bansa, at ang kasong inilabas ng Qihoo 360 ay pinakahuling halimbawa.
Aniya, ipinakikita ng mga katibayang ito, na ang Amerika ay pinakamalaking cyber attacker sa daigdig.
Dagdag ni Zhao, bilang isa sa mga biktima ng cyber theft at attack ng Amerika, hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang ganitong mga aksyon, para panumbalikin ang kapayapaan, seguridad, pagiging bukas at kooperasyon sa cyberspace.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |