|
||||||||
|
||
Nagpulong nitong Miyerkules, Marso 4, 2020 ang Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunistan ng Tsina (CPC), para pag-aralan ang mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at pagtibayin ang takbo ng kabuhaya't lipunan.
Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, lumitaw sa Tsina ang tunguhin ng tuluy-tuloy na pagbuti ng kalagayan ng pagpuksa sa epidemiya, at mabilis na pagpapanumbalik ng kaayusan ng produksyon at pamumuhay.
Dapat aniyang patibayin at palawakin ang ganitong mainam na tunguhin, para mapasulong ang pagbalik ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa normal na landas sa lalong madaling panahon.
Diin ni Xi, hindi dapat pababain ang pagmamatyag sa epidemiya, at kasabay nito, dapat palalimin ang kooperasyong pandaigdig sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Tinukoy sa pulong na dapat pasulungin ang pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon, sa proseso ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.
Dapat pabutihin ang gawain ng pagpapatatag ng kalakalan at puhunang dayuhan, at palawakin ang dibersipikadong pamilihang pandaigdig.
Kailanagn ding pangalagaan ang katatagan ng global supply chain, at palawakin ang pagbubukas ng industriya ng serbisyo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |