|
||||||||
|
||
Si Wei Feng at kanyang kapatid na si Wei Chao ay nagmaneho ng sariling digger at lumahok sa konstruksyon ng makeshift hospital. Magkahiwalay silang nagtrabaho sa araw at gabi, at laging pinatatakbo ang kanilang makina, para matapos ang konstruksyon ng ospital sa pinakamaikling panahon.
Si Chen Lingyu ay kawani sa opisina. Pagkaraang maganap ang epidemiya, binuo niya, kasama ng maraming iba pang boluntaryo ang isang convoy team, para sunduin ang mga tauhang medikal mula sa kani-kanilang bahay tungong opisyal.
Si Wang Yong naman ay courier. Sa panahon ng epidemiya, tumutulong siya sa mga tauhang medikal, para bumili ng packed meal at ibang mga kinakailangang bagay at ihatid ang mga ito sa kanila.
Tumulong si Yang Jie sa transportasyon ng mga kagamitang medikal. Walong beses niyang inihatid ang mga kagamitan sa loob ng dalawang araw. Natutuhan din niya ang pag-buo ng mga makinang medikal, at tumulong sa mga ospital sa pag-instala ng mga ito.
Kinukunan naman ni Xiao Lin ang video ng mga gawain ng mga boluntaryo. Sa pamamagitan ng kanyang kamera, nakukunan niya ang mga di malilimutang sandali.
Sa iba't ibang lugar ng Tsina, marami pa ang ganitong mga boluntaryo, at bumuo sila ng isang malaking puwersa para sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19. Mula sa kanila, nananalig ang lahat na mapagtatagumpayan ang epidemiya sa pamamagitan ng pagmamahal at pagkikipagkapwa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |