Sa Pandaigdig na Araw ng Kababaihan, ipinahayag ngayong araw, Linggo, ika-8 ng Marso 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pagbati at pangungumusta sa mga kababaihan ng buong bansa, lalung-lalo na sa mga nangunguna sa paglaban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Hinahangaan ni Xi ang malaking ambag na ibinibigay ng mga babaeng nasa iba't ibang posisyon para pigilan at kontrolin ang COVID-19.
Ipinahayag din niya ang pag-asa sa lahat, na patitibayin ang kompiyansa sa tagumpay, pasisiglahin ang kalooban, poprotektahan ang sarili sa pamamagitan ng siyentipikong paraan, at pananatilihin ang kalusugan sa pakikibaka sa epidemiya.
Salin: Liu Kai