|
||||||||
|
||
Mabilis na bumababa ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso at mga namatay.
Unti-unti ring napapanumbalik ang normal na takbo ng kabuhayan at lipunan.
Ang COVID-19 ay isang epidemiya sa Tsina na pinakamabilis kumalat, pinakamalawak na nakakahawa, at pinakamahirap na tugunan sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949.
Makaraan itong maganap, pinamumunuan ni Pangulong Xi Jinping ang pakikibaka sa epidemiya na nilalahukan ng lahat ng mga mamamayan ng bansa.
Maraming beses na nagpatawag ng pulong si Xi para pag-aralan ang kalagayan ng epidemiya at itakda ang mga katugong hakbangin.
Bumisita siya sa mga ospital, purok-panirahan, at instituto ng pananaliksik, para malaman ang detalyadong kalagayan ng mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa sakit.
Bilang tugon sa magkakaibang kalagayan ng epidemiya sa iba't ibang yugto, isinaayos din niya ang mga hakbangin, para maging mas eksakto at mabisa ang mga ito.
Sa ilalim ng patnubay ng lider Tsino, kumikilos ang buong bansa, at buong lakas na ipinapatupad ang mga itinakdang hakbangin.
Ito ay dahilan kung bakit natamo ngayon ng Tsina ang mainam na tunguhin ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Ang pamumuno ni Pangulong Xi sa pakikibaka ng buong Tsina sa epidemiya ng COVID-19 ay hinahangaan naman ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization.
Pagkaraan ng kanyang pagbisita sa Tsina noong ika-28 ng nagdaang Enero, sinabi ni Tedros, na kahanga-hanga ang matatag na determinasyong pulitikal na ipinakikita ng pamahalaang Tsino sa paglaban sa epidemiya.
Bihirang makita sa buong mundo ang napakabilis at napakalawak na kilos ng Tsina, pati rin ang episiyensiya at bentahe ng sistema ng bansa, dagdag niya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |