Inilabas ngayong araw, Linggo, ika-8 ng Marso 2020, ng pamahalaang Tsino ang desisyong magkaloob ng 20 milyong Dolyares sa World Health Organization (WHO), bilang pagsuporta sa pagsasagawa nito ng pandaigdig na kooperasyon laban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag ng panig Tsino, na sa kasalukuyan, kumakalat sa maraming lugar ng daigdig ang COVID-19, at nagiging mas mahalaga ang pagsasagawa ng pandaigdig na kooperasyon sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Ang donasyon ng Tsina ay para suportahan ang WHO sa pagpapatingkad ng mas malaking papel sa pagkokoordinahan sa mga pandaigdig na aksyon, lalung-lalo na pagbibigay-tulong sa pagharap sa epidemiya ng mga bansang mahina ang sistema ng kalusugang pampubliko, dagdag ng panig Tsino.
Salin: Liu Kai