Inilabas kamakalawa, Biyernes, Marso 6, 2020, sa The Lancet, magasing medikal na kilalang-kilala sa daigdig, ang editoryal na nagsasabing ang mga karanasan ng Tsina sa paglaban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay karapat-dapat na tularan ng iba't ibang bansa.
Anang editoryal, ayon sa ulat ng magkasanib na grupo ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) at Tsina, dahil sa pagsasagawa ng mga malakas at mabisang hakbangin sa kalusugang pampubliko, naiwasan ng Tsina ang higit na maraming pagkahawa at pagkamatay na dulot ng COVID-19.
Iminungkahi rin ng WHO, na isagawa ng iba't ibang bansa ang pangkagipitang pagtugon sa pinakamataas na lebel, para lumahok ang pamahalaan at buong lipunan sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Salin: Liu Kai