|
||||||||
|
||
Nanawagan ang WHO sa lahat ng mga bansa na isagawa ang mga malakas at mabisang hakbangin, para mabawasan at matigil ang pagkalat ng COVID-19.
Ang mga inirekomendang hakbangin ay kinabibilangan ng pagpapakilos ng buong lipunan, napapanahong pagtuklas sa mga taong nahawahan ng sakit at agarang pagbibigay-lunas sa kanila, pag-iimbestiga at pagsubaybay sa mga close contact, pagtulong sa mga ospital sa paghahanda para sa posibleng mabilis na pagdami ng may-sakit, at pagbibigay ng may kinalamang pagsasanay sa mga tauhang medikal, dagdag ng WHO.
Ayon pa rin sa ulat ng WHO, hanggang alas-5 ng hapon kahapon, umabot na sa 21,114 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa labas ng Tsina, at 413 naman ang namatay.
Kabilang dito, 3,633 kaso ang bagong naitala kung ihahambing sa nakaraang araw.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |