|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na kalahating buwan, mabilis na kumalat ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Iran at ito ay nakatawag ng pansin at pagkabahala ng buong mundo.
Kaugnay nito, nagsadya kamakailan sa Iran ang isang 5-personang grupo ng mga boluntaryong dalubhasa ng Red Cross Society ng Tsina (RCSC), upang ibahagi ang karanasan ng Tsina sa pagpuksa ng epidemiya.
Sa panayam sa China Media Group nitong Sabado, Marso 7, 2020, sinabi ni Ma Xuejun, mananaliksik ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, na sa pangkalahatang pananaw, matindi ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng COVID-19 sa Iran, at may kakulangan sa aspekto ng materyal para sa pagpuksa ng epidemiya.
Pero kasabay ng pagsasa-operasyon ng parami nang paraming laboratory ng pagsusuri, unti-unting tumataas ang kakayahan ng Iran sa pagsusuri at pagkukumpirma ng mga pasyente ng COVID-19.
Nitong nakalipas na mahigit isang linggo sapul nang dumating ang nasabing grupo sa Tehran noong Pebrero 29, mataimtim at propesyonal nilang tinutupad ang kanilang gawain, at ito ay nakakuha ng papuri mula sa World Health Organization (WHO) at Ministri ng Kalusugan ng Iran.
Sinabi ni Kianoush Jahanpour, Tagapagsalita ng Ministri ng Kalusugan ng Iran, na nakamit ng Tsina ang ilang bunga sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Aniya, ang mga dalubhasang Tsino ay nagkaloob ng maraming mahalagang karanasan sa Iran sa aspektong ito.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |