Nakahanda ang Tsina na patuloy na makipagkooperasyon sa Timog Korea, batay sa diwa ng pagtutulungan sa isa't isa, para palakasin ang pagbabahagi ng impormasyon at karanasan, at isagawa ang kooperasyon sa pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), para magkakasamang mapagtagumpayan ang paglaban sa epidemiya.
Sinabi ito Marso 9, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina. Sinabi din niya na ipagkakaloob ng Tsina ang mga kagamitan sa T.Korea na kinabibilangan ng 100 libong N95 mask, 1 milyong medikal na mask, 10 libong medical protective suits, at test kits para sa 50 libong katao at iba pa.
Ipinahayag ni Geng na kasabay ng paglaban sa epidemiya sa loob ng bansa, ipinagkaloob ng Tsina ang mga medikal na materyal sa mga kinauukulang bansa bilang suporta sa ibang bansa sa paglaban sa epidemiya.
Salin:Sarah