|
||||||||
|
||
Kinondena ng Tsina ang di katanggap-tanggap na aksyon ng ilang politikong Amerikano.
Sinabi ito Marso 9,2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa pananalita ni American Secretary of State Mike Pompeo na ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay "Wuhan virus."
Tinukoy ni Geng na ibinigay na ng World Health Organization (WHO) ang opisyal na pangalan ng bagong virus. Ngunit hindi iginalang ng ilang politikong Amerikano ang siyensiya at kapasiyahan ng WHO, at ini-stigmatize ang Tsina at Wuhan sa katwiran ng virus, at solemnang kinondena ng Tsina ang di katanggap-tanggap na aksyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |