Ang paglalakbay-suri kahapon, Martes, ika-10 ng Marso 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Wuhan, lunsod na malubhang apektado ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ay nakatawag ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig.
Ipinalalagay ng mga eksperto at tagapag-analisa ng Rusya, Singapore, Indya, Ehipto at Ukraine, na ang biyaheng ito ni Xi ay nagpakita ng kanyang lubos na pagpapahalaga sa kalusugan at kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan. Nagbigay din ito ng kompiyansa sa komunidad ng daigdig na mananalo ang Tsina sa paglaban sa COVID-19, dagdag nila.
Salin: Liu Kai