Sa diyalogo ng Untied Nations Human Rights Council na idinaos kamakalawa, Lunes, ika-9 ng Marso 2020, sa Geneva, Switzerland, sinabi ni Liu Hua, espesyal na kinatawan sa suliranin ng karapatang pantao ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinaninindigan ng panig Tsino, na hawakan ng iba't ibang bansa ang pagkakaiba sa isyu ng karapatang pantao sa pamamagitan ng konstruktibong diyalogo at kooperasyon.
Sinabi rin ni Liu, na tinututulan ng Tsina ang pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao, at pagsasagawa ng double standard sa isyung ito. Hindi rin dapat gamitin ang isyu ng karapatang pantao, para sa paninirang-puri o patawan ng presyur ang mga bansa, dagdag niya.
Salin: Liu Kai