|
||||||||
|
||
Winika ito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa kanyang inspeksyon ng mga gawain laban sa epidemya ng COVID-19, na ginawa kahapon, Martes, ika-10 ng Marso 2020, sa Wuhan, punong lunsod ng lalawigang Hubei na malubhang apektado ng epidemiyang ito.
Pagkaraan ng dalawang beses na inspeksyong ginawa sa Beijing para suriin ang mga gawain laban sa COVID-19, sa panahong ito, pumunta si Xi sa Wuhan, sentro ng kasalukuyang epidemiya. Inilabas niya ang kautusan para sa pagtamo ng pinal na tagumpay laban sa COVID-19.
Sa araw nang pagdating ni Xi sa Wuhan, isinara na ang panghuling makeshift hospital sa lunsod na ito para sa COVID-19, pagkaraang gumaling ang lahat ng mga may-sakit sa ospital. Ito ay palatandaan ng malaking breakthrough sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa Wuhan.
Wala pang dalawang buwan pagkaraang sumiklab ang epidemiya ng COVID-19, ang pagtamo ng breakthrough na ito ay bunga ng pamumuno ng kataas-taasang lider at pagsuporta at pagsisikap ng lahat ng mga mamamayang Tsino.
Pinakamahalaga ang mga mamamayan sa puso ni Xi. Siya mismo ang namumuno sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19, nagpatawag ng 6 na pinakamataas na pulong sa loob ng 40 araw para itakda ang mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol, at gumawa ng 3 inspeksyon. Sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, tinupad ni Xi ang ideya ng pagpapauna ng mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng kasalukuyang biyahe sa Wuhan, muling ipinakita ni Xi ang pagpapahalaga sa kalusugan at kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan. Nagbigay din siya ng kompiyansa sa daigdig na mananalo ang Tsina sa paglaban sa COVID-19.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |