|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling ulat na ipinalabas Marso 11, 2020 ng World Health Organization (WHO), hanggang 10:00 kahapon ng umaga (Central European Time o CET), umabot na sa 37,371 ang bilang ng lahat ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa 113 na bansa at rehiyon, sa labas ng Tsina.
Tinukoy kagabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng WHO, na ang COVID-19 ay isa nang "pandemic."
Ayon sa depinisyon ng WHO noong 2010, ang "pandemic" ay "bagong sakit na kumakalat sa buong daigdig."
Ang COVID-19 ay unang corona virus na naituring bilang pandemic.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |