Inilabas kahapon, Biyernes, ika-13 ng Marso 2020, ng Tanggapan sa Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang "The Record of Human Rights Violations in the United States in 2019."
Batay sa mga isinapublikong datos, balita sa media, at natuklasan sa pag-aaral, inilakip sa naturang ulat ang mga paglabag ng Amerika sa karapatang pantao sa pitong aspektong, gaya ng karapatang sibil at pulitikal, karapatang panlipunan at pangkabuhayan, diskriminasyon sa mga etnikong minorya, diskriminasyon at karahasan sa kababaihan, kondisyon ng pamumuhay ng mga mahihirap, pang-aabuso sa mga migrante, at paglabag ng Amerika sa karapatang pantao ng ibang bansa.
Sinabi rin ng ulat, na inilalabas taun-taon ng Amerika ang mga ulat, para pilipitin at maliitin ang kalagayan ng karapatang pantao ng ibang mga bansa at rehiyong hindi angkop sa estratehikong interes nito. Samantala, naging bulag ang Amerika sa sariling paulit-ulit, sistematiko at malawakang paglabag sa karapatang pantao, dagdag ng ulat.
Salin: Liu Kai