Idineklara kahapon, Biyernes, ika-13 ng Marso 2020, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang national emergency bilang pagharap sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Trump, na ilalaan ng pamahalaang pederal ang 50 bilyong Dolyares, bilang tulong sa iba't ibang estado at lokal na pamahalan para sa pagharap sa epidemiya. Palalawakin sa buong bansa ang virus test, dagdag niya.
Ayon naman sa American media, hanggang nitong Biyernes, lumampas sa 1,700 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at 41 naman ang namatay.
Salin: Liu Kai