Sa pamamagitan ng kanyang official Twitter account at Facebook page, ipinaalam kahapon, Biyernes, ika-13 ng Marso 2020, ni Pangulong Jair Bolsonaro ng Brazil, na negatibo ang resulta ng kanyang pagsusuri sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi rin ni Bolsonaro, na hindi dapat maniwala sa mga huwad na balitang nagsasabing siya ay positibo sa sakit.
Kamakalawa, kinumpirmang nahawahan si Press Secretary Fabio Wajngarten ng Brazil ng COVID-19. Si Bolsonaro ay kasama ni Wajngarten nang bumiyahe sa Amerika mula ika-7 hanggang ika-10 ng buwang ito.
Salin: Liu Kai