Isinalaysay kahapon, Biyernes, ika-13 ng Marso 2020, ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, na sa taong ito, ilalaan ng mga malaking bahay-kalakal na ari ng estado ang mahigit 3.3 bilyong yuan RMB, para sa pagpapaunlad ng industriya sa mga mahirap na lugar.
Ang mga puhunang ito ay bahagi ng mahigit 31 bilyong yuan na pondong itinakda ng nabanggit na komisyon, para sa pagpapaulad ng industriya sa mga mahirap na lugar ng Tsina. Tinatayang lilikha ito ng 420 libong hanapbuhay sa mga mahirap na lugar, at daragdagan taun-taon ng 3.5 bilyong yuan ang kabuuang kita ng mga manggagawa.
Salin: Liu Kai