Inilabas ngayong araw, Lunes, ika-16 ng Marso 2020, sa Magasing Qiushi o Seeking Truth, babasahin tungkol sa mga teoryang pulitikal ng Tsina, ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa pagpapalakas ng suportang siyentipiko at teknolohikal para sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa artikulong ito, batay sa ideyang "ang siyensiya at teknolohiya ay pinakamalakas na sandata ng sangkatauhan laban sa mga sakit," iniharap ni Xi ang mga kahilingan sa pitong aspekto.
Ang mga ito ay pagpapalakas ng pananaliksik sa mga gamot, kagamitang medikal, at paraang klinikal para sa pagbibigay-lunas sa mga may-sakit; pagpapabilis ng pagdedebelop ng bakuna; pananaliksik sa pinanggagalingan at ruta ng pagkalat ng virus; pagkakaloob ng interbensyong sikolohikal sa mga may-sakit; pagpapalakas ng sistema ng siyentipikong pananaliksik para sa pagpigil at pagkontrol sa mga sakit at kalusugang pampubliko; pagsasagawa ng public hygiene campaign; at pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig sa siyentipikong pananaliksik laban sa COVID-19.
Salin: Liu Kai