Mahigit 100 libong trabaho ang ipinagkaloob sa online job fair na sinimulan noong ika-2 ng Marso 2020, ng Yangshipin, video app ng China Media Group.
Ito ay ayon sa estadistikang inilabas ng naturang plataporma ngayong araw, Lunes, ika-16 ng Marso 2020.
Ayon pa rin sa estadistika, nitong 14 na araw na nakalipas, inilabas ng halos 2,500 bahay-kalakal ang mga video promotion sa Yangshipin, at mahigit 300 libong resume naman ang ipinadala sa pamamagitan ng platapormang ito.
Karaniwang sinisimulan tuwing Marso ang recruitment season sa Tsina. Pero dahil sa ipinatutupad na mga hakbangin sa maraming lugar ng bansa bilang pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, hindi puwedeng idaos ngayon ang mga malaking pagtitipun-tipong gaya ng job fair.
Salin: Liu Kai