Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Saan nagmula ang COVID-19, dapat tumpak na sagutin ng Amerika

(GMT+08:00) 2020-03-16 15:06:23       CRI
Sa pagdinig kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, inamin ni Robert Redfield, Direktor ng US Centers for Disease Control and Prevention, na may mga namatay sa Amerika na unang ipinalalagay na dahil sa influenza ay, sa katotohanan, dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nagdulot ito ng pagduda, na posibleng magmula sa Amerika ang COVID-19, sa halip na Wuhan ng Tsina.

Makatwiran ang pagdudang ito, kung titingnan ang timeline sa susunod. Sinimulan noong Setyembre 2019 ang influenza season sa Amerika. Samantala, lumitaw rin ang COVID-19. Nakahawa ng COVID-19 ang mga may-sakit, pero hindi natuklasan, dahil may parehong ilang sintomas ang dalawang sakit na ito. Mula Oktubre 18 hanggang 27, idinaos sa Wuhan ang ika-7 Military World Games. Lumahok sa palaro ang mga kawal na Amerikano. Kabilang dito, posibleng may mga virus carrier ng COVID-19, at ikinalat nila ang virus na ito sa Wuhan. Pagkaraan ng incubation period, natuklasan noong unang dako ng Disyembre sa Wuhan ang may-sakit ng COVID-19.

Nitong mga araw na nakalipas, inilabas din ang ilang artikulo, bilang pagsuporta sa palagay na hindi nagmula sa Tsina ang COVID-19. Halimbawa, sa artikulo sa website ng Global Research, think tank ng Canada, sinabi ng mga virologist na taga-Taiwan ng Tsina, na ang genome ng COVID-19 sa Iran at Italya ay magkaiba sa mga ito sa Tsina, at nangangahulugan itong ang virus sa naturang dalawang bansa ay hindi galing sa Tsina. Sinabi naman ni Daniel Lucey, epidemiologist sa Georgetown University ng Amerika, na batay sa katotohanang sa unang batch ng 41 may-sakit ng COVID-19 sa Wuhan, 13 ay walang anumang pakikipagkontak sa isang lokal na seafood market na pinaghihinalaang pinanggagaling ng virus, ipinalalagay niyang, ang virus ay posibleng magmula sa ibang lugar.

Sa kasalukuyan, kumakalat ang COVID-19 sa buong daigdig, at buong sikap na ini-iimbestigahan ng mga siyentista ang pinanggagalingan nito. Batay sa responsable at siyentipikong atityud, dapat tumpak na sagutin ng Amerika ang kuwestisyon ng komunidad ng daigdig, para makipag-ambag sa paglaban sa sakit na ito, at pangangalaga sa kalusugang pampubliko ng buong mundo.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>