Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Opisyal na Facebook Livecast ng Serbisyo Filipino hinggil sa COVID-19, Marso 16, 2020

(GMT+08:00) 2020-03-16 19:47:10       CRI

Narito po ang pinakahuling impormasyon hinggil sa COVID-19, na handog ni Rhio Zablan, mamamahayag ng Filipino Service, China Media Group:

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/237764703938076/

PAKSA:

1. Tsina, gagawin ang lahat ng makakaya para tulungan ang Pilipinas sa paglaban sa COVID-19: 2,000 fast test kit, dumating na sa Manila

2. Dumaraming lalawigan ng Tsina, idinedeklarang ligtas sa COVID-19

3. Mga hakbang ng Tsina para masawata ang epidemiya

Kasabihang Tsino: ANG PATAK NG TUBIG NA IBINIGAY MO SA AKIN AY TUTUMBASAN KO NG ISANG LAWA.

UNANG PAKSA:

* "Mahalagang suporta sa Tsina ang ipinagkaloob ng pamahalaan at mga mamamayan ng Pilipinas noong ang situwasyon ng epidemiya sa Tsina ay nasa kritkal na kondisyon. Nakikisimpatiya ang Tsina sa mga kinakaharap na kahirapan ng Pilipinas, at handa itong makipagkapit-bisig sa Sambayanang Pilipino para mapagtagumpayan ang mga hadlang na ito." Ito ang ipinahayag ni Wang Yi, State Councilor at Foreign Minister ng Tsina, sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, kahapon.

* Binigyang-diin ni Wang na gagawin ng Tsina ang lahat ng makakaya upang tulungan ang Pilipinas na labanan ang COVID-19.

* Aniya, ipapadala ng Tsina sa Pilipinas ang mga kinakailangang kagamitang medikal, tulad ng test kit at pamprotektang kasuotan.

* Aktibo rin aniyang makikipagkoordina ang panig Tsino sa panig Pilipino upang maipadala sa bansa ang mga ekspertong medikal na Tsino.

* Ipinahayag din ni Wang, na sa matatag na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, magtatagumpay ang Pilipinas kontra sa epidemiya.

* Inulit naman ni Kalihim Locsin, ang di-natitinag na suporta ng Pilipinas sa pakikipagdigma ng Tsina sa COVID-19, at ipinahayag din niya ang kanyang pagbati sa mga mahalagang tagumpay ng Tsina sa digmaang ito.

* Sinabi ni Locsin, na palagi siyang naniniwala na magtatagumpay ang Tsina laban sa epidemiyang ito.

* Sa loob ng mahabang panahon, paulit-ulit nang napatunayan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na kaya nitong akayin ang lahat ng mga mamamayang Tsino, upang pagtagumpayan ang anumang kahirapan, mariin niyang pahayag.

* Sinabi ni Locsin na ngayon ay nasa mahirap na kondisyon ang Pilipinas sa paglaban sa COVID-19, at umaasa siyang magpapadala ng mga medical expert ang Tsina sa Pilipinas upang mapalakas ang paglaban ng bansa sa virus na ito.

* Malaking pasasalamat din ang ipinahayag ni Locsin, at sinabi niyang agad niyang ipapaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang balita na mula sa Tsina.

* Dahil sa pag-uusap na ito, dumating na ngayong araw, Lunes, ika-16 ng Marso, 2020 sa Manila ang 2,000 fast test kit para sa COVID-19 na magkasamang inabuloy ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at China Mammoth Foundation para tulungan ang Pilipinas sa paglaban sa epidemiya ng COVID 19.

Ipinahayag kanina ni Huang Xilian, Embahador Tsino sa Pilipinas, na handa ang Tsina na magkaloob ng mas marami pang fast test kit sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Ang naturang mga fast test kit ay idinebelop ng China BGI Group, at sa pamamagitan ng mga ito, maaring malaman ang resulta sa loob lamang 3 oras.

Ang naturang mga kit ay hindi lamang malawakang ginagamit sa Tsina sa paglaban sa epidemiya, ipinagkaloob na rin ito sa mahigit 50 bansa at rehiyon na gaya ng Hapon, Thailand, Brunei, Ehipto, Peru at UAE.

* Samantala, balikan naman natin ang lokal na situwasyon sa Tsina:

* 838, bilang ng gumaling, Marso 15

* 67,749, pangkalahatang bilang ng gumaling

*16, bilang nahawa, Marso 15, 2020. Apat (4) ang lokal na transmisyon mula sa Wuhan at angg natitirang 12 ay imported na kaso, o mga nahawa mula sa ibang bansa.

* 80,860, pangkalahatang nahawa

* 14, bilang ng namatay (lahat mula sa Hubei), Marso 15.

* 3,213, pangkalahatang blang ng namatay

IKALAWANG PAKSA:

* Naisama na kahapon, Linggo ang mga munisipalidad ng Tianjin at Chongqing sa listahan ng mga provincial-level region na wala nang pasyente ng COVID-19.

* Noong Sabado, gumaling na rin ang huling pasyente ng COVID-19 sa lalawigang Hunan, gawing gitna ng Tsina.

* Ayon sa inisyal na pagtala ng Xinhua News Agency, opisyal na organo ng pagbabalita ng Tsina, 12 provincial-level region na sa mainland ng Tsina ang wala nang impeksyon ng novel coronavirus.

* Kabilang sa mga ito ang Tibet, Qinghai, Xinjiang, Shanxi, Yunnan, Fujian, Jiangsu, Jiangxi, Anhui, Tianjin, Chongqing at Hunan.

* Sa kabilang dako, wala na ring pasyente ng COVID-19 sa Macao Special Administrative Region (MacaoSAR) ng Tsina.

IKATLONG PAKSA:

1. Mabilisang pag-implementa ng kuwarentina

* Ipinag-utos, Enero 23, 2020 ng pamahalaang Tsino sa lahat ng mga taga-Wuhan na huwag lisanin ang lunsod.

* Ito ay mahirap pero kinakailangang desisyon.

* Sa panahong iyon, walang nakakaalam kung ano ang konsikuwensiya ng nasabing desisyon. Ang lalawigang Hubei ay nasa gawing gitna ng Tsina, at ang Wuhan ay may mahigit 14 na milyong populasyon.

* Dagdag pa rito, sumailalim sa kuwarentina ang Wuhan, ilang oras bago ipagdiwang ang bisperas ng Chun Jie o Bagong Taong Tsino, pinakamahalagang pagdiriwang ng Tsina. Sa panahong ito nangyayari ang "chunyun," pinakamalaking taunang pagbibiyahe at migrasyon ng mga tao sa daigdig. At inaasahang 3 bilyong biyahe ang mangyayari sa panahong iyon para ipagdiwang ang Bagong Taong Tsino.

Ano kaya ang magiging resulta kung hindi inimplementa ng Tsina ang kuwarentina sa Wuhan?

2. Emergency hospitals, ginawa sa loob ng 10 araw

Kilala ang Tsina sa paggawa ng mga bagay sa mabilis na paraan, pero, ang pagtatayo ng ospital sa loob ng 10 araw ay isang kagila-gilalas na hakbang.

Sa kalakasan ng epidemiya sa Wuhan, punung-puno ang mga ospital sa lunsod at ang tanging pagpipilian ay - gumawa ng mas marami pang ospital.

Sa karaniwan, 6 hanggang 8 buwan ang kailangan para sa paggawa ng bagong ospital, pero ang unang pasilidad na ginawa ng Tsina sa Wuhan para pagsilbihan ang mga pasyenteng nasa grabeng kondisyon ay ginawa sa loob ng 10 araw. Ito ang Leishenshan at ito ay may kapasidad na 1,000 higaan at 30 intensive care unit (ICU).

Paano ito ginawa? Minobilisa ng Tsina ang sandatahang lakas at medikal na tauhang militar mula sa lahat ng sulok ng bansa para magawa ito.

3. Self-quarantine sa loob ng 14 na araw

Dito sa Beijing, mayroon kaming istriktong "14-day self-quarantine rule."

Kapag ikaw ay nagkaroon ng kontak sa sinumang taong nagpunta sa Hubei, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Kung ikaw ay nagbiyahe sa labas ng Beijing, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Kung ikaw ay kasama sa bahay ng sinumang nagbiyahe sa labas ng Beijing, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Kung ang temperatura mo ay lampas 37.3 degrees celcius, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Kung may mga taong nagpositibo sa virus na malapit sa iyo, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Pero bakit 14 na araw? Ito kasi ang pinakamahabang tanggap na incubation ng period, ayon sa expert's team ng Tsina.

4. Kontrol sa pang-araw-araw na aktibidad

* Kahit ang mga hindi nagbiyahe ay nagkaroon din ng pagbabago sa kanilang pang-araw-aaw na gawain.

* Isinara ang mga sinehan, parke, museo, galeriyang pansining, at iilan lamang na restawran ang naiwang bukas sa unang ilang linggo ng epidemiya.

* Ang mga nanatiling bukas ay mga convenience store at supermarket – pero, ang mga ito ay nasa ilalaim ng mahigpit na superbisyon. Ang pagsusuot ng mask sa mukha ay isang mahigpit na kahilingan.

* Bago makapasok sa isang enclosed na pampublikong lugar, kailangang makuha muna ang iyong temperatura sa may tarangkahan o gate.

* Sa ilang komunidad o subdibisyon, kailangan ding mag-fill out ng form ang ilang residente hinggil sa mga lugar na pinunthanan, klase ng transportasyong pampubliko na sinakyan, at mga taong nakausap.

5. Trabaho mula sa bahay

* Alam ng pamahalaang Tsino na maaaring maapektuhan ng COVID-19 ang ekonomiya ng bansa, kaya naman, inimplementa ang pagtatrabaho mula sa bahay.

* At dahil sa polisiyang ito, hindi lamang pagtatrabaho sa bahay ang natutunan ng mga Tsino, lumakas din ang industriyang online shopping, at dito na rin ginagawa ang socialization.

* Sa harap ng kahirapan, iba-iba ang reaksyon ng ibat-ibang bansa. Pinili ng Tsina ang bilis o urgency sa harap ng epidemiya. Ang COVID-19 ay isang pandaigdigang banta sa Sangkatauhan, at ang bilis ng ating responde ay napakahalaga.

SOURCE:

http://filipino.cri.cn/301/2020/03/16/103s166818.htm

http://www.xinhuanet.com/english/2020-03/16/c_138880855.htm

https://www.chinadaily.com.cn/a/202003/16/WS5e6ed7d0a31012821727f4ab.html

https://global.chinadaily.com.cn/a/202003/16/WS5e6ed998a31012821727f4c8.html

http://filipino.cri.cn/301/2020/03/13/102s166776.htm

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>