|
||||||||
|
||
|
Tulad sa Pilipinas, maraming lunsod, lalawigan at rehiyon sa Tsina ang nasa ilalim ng kuwarentina dahil sa epidemiya ng corona virus disease 2019 (COVID-19).
Dito sa Beijing, lumalabas lamang kami kung kinakailangan.
Dahil dito maraming transaksyon ang sinimulang gawin sa pamamagitan ng internet, at isa rito ay ang pag-order ng pagkain.
Sa lunsod ng Guangzhou, lalawigang Guangdong, Tsina, naiibsan ang gutom ng mga manggagawa sa pamamagitan ng intelehenteng aparador ng pagkain.
Sa maraming opisina sa lunsod, itinayo ang mga intelehenteng aparador, na maaaring magpanatili sa temperatura ng pagkain sa 60 degrees celcius.
Umorder lang sa cellphone, at ilalagay ang inyong pagkain sa loob nito.
Magsisimula ang 30 minutong pagdidisimpekta.
Matapos ito, matatanggap ang mensahe, na puwede nang kunin ang pagkain sa pamamagitan ng code na ipinadala sa cellphone.
Ang buong proseso ay walang kontak sa pagitan ng mga tao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |