|
||||||||
|
||
Kaugnay ng paggamit ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ng terminong "Chinese Virus" bilang pagtukoy sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinabi Martes, ika-17 ng Marso 2020, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay paninirang-puri sa Tsina. Ipinahayag din niya ang pagkapoot at pagtutol ng panig Tsino tungkol dito.
Sinabi ni Geng, na ang pag-uugnay ng virus sa anumang bansa o lugar ay stigmatisasyon na maliwanag na tinututulan ng World Health Organization at komunidad ng daigdig.
Dagdag niya, sa kasalukuyang kalagayang kumakalat ang COVID-19 sa maraming lugar ng daigdig, ang pinakamahalaga ay pagtutulungan ng komunidad ng daigdig sa paglaban sa sakit na ito. Dapat gumanap ng konstruktibong papel ang Amerika para sa pandaigdig na kooperasyon laban sa COVID-19 at pangangalaga sa kalusugang pampubliko ng buong mundo, diin ni Geng.
Ang nabanggit na pananalita ni Trump ay tinututulan at pinuna rin ng mga netizen. Sinabi nilang, ito ay pagtatangi sa lahi. Binigyang-diin din nilang, ang xenophobia ay hindi makakatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |