Sinabi kahapon, Martes, ika-17 ng Marso 2020, ni Meng Wei, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na pagpasok ng buwang ito, matatag ang presyo ng mga pagkain sa buong bansa, at bumaba ang presyo ng karne ng baboy at mga gulay.
Sinabi rin ni Meng, na sa punong lunsod ng Wuhan at mga iba pang lugar ng lalawigang Hubei na malubhang apektado ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang reserba ng mga pangunahing pagkaing gaya ng bigas, harina, mantika, at karne ng baboy ay sapat para sa mahigit 30 araw na pangangailangan.
Dagdag ni Meng, patuloy na isasagawa ng kanyang departamento ang mga hakbangin bilang garantiya sa pagsuplay at paghahatid, para panatilihin ang katatagan ng presyo ng mga pagkain.
Salin: Liu Kai