Iniharap kahapon, Martes, ika-17 ng Marso 2020, ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang kahilingang pabilisin ang pagsisimula at pagpapanumbalik ng mga malaking proyekto sa bansa, para buong sikap na bawasan ang epekto sa kabuhayan at lipunan na dulot ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ng Konseho ng Estado, na ang mga malaking proyekto ay mahalaga para sa pagpapatatag ng pamumuhunan, pagpapalawak ng pangangailangang panloob, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat anito pabilisin ang proseso ng mga 11 libong malaking proyektong sinimulan na sa iba't ibang lugar ng Tsina, at gawin ang paghahanda para sa mahigit 4 na libong malaking proyektong nakatakdang isagawa sa loob ng taong ito. Dapat ding bigyang-priyoridad ang paggarantiya sa lakas-manggagawa, suplay ng mga hilaw na materyal, pondo, at mga materyal laban sa epidemiya para sa mga malaking proyekto, dagdag pa nito.
Salin: Liu Kai