|
||||||||
|
||
Samantala, kaugnay ng paggamit ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ng terminong "Chinese Virus" bilang pagtukoy sa COVID-19, sinabi naman nitong Marso 17, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay paninirang-puri sa Tsina. Ipinahayag din niya ang pagkapoot at pagtutol ng panig Tsino tungkol dito.
Makatwiran ang galit ng panig Tsino. Nitong mahigit isang buwang nakalipas, gumagawa ang mga mamamayang Tsino ng napakalaking pagsisikap sa paglaban sa COVID-19, at natamo ang inisyal na bunga sa pagpigil at pagkontrol sa sakit na ito.
Sa halip na paggalang sa pagsisikap ng panig Tsino, ginagamit ng panig Amerikano ang epidemiya, para sulsulan ang pagtatangi sa lahi at isagawa ang pag-atakeng heopolitikal sa Tsina. Ibinunyag nito ang masamang motibong pulitikal ng Amerika, at tiyak itong tinututulan ng mga mamamayang Tsino.
Kasabay nito, ang paninirang-puri ng Amerika sa Tsina ay naglalayon ding pagtakpan ang pagkakamali nito sa pagharap sa epidemiya. Pagkaraang matuklasan ang mga kaso ng COVID-19 sa Amerika, mabagal ang reaksyon ng pamahalaang Amerikano laban sa epidemiya, at nagresulta ito sa kawalang-kasiyahan ng maraming mamamayan ng bansang ito. Dahil din sa epektong dulot ng epidemiya, lumitaw naman ang kaligaligan sa kabuhayang Amerikano. Gusto ng mga pulitikong Amerikano na ibaling sa Tsina ang pansin, para hindi sila sisihin ng mga mamamayan.
Ang epidemiya ng COVID-19 ay isang pandaigdig na hamon. Sa kasalukuyan, ang pinakamahalaga ay pagtutulungan ng komunidad ng daigdig sa paglaban sa sakit na ito. Ang paninirang-puri o pagsangkalan sa Tsina ay hindi makakatulong sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Dapat kilalanin ng Amerika ang palagay na ito, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa pandaigdig na kooperasyon laban sa COVID-19 at pangangalaga sa kalusugang pampubliko ng buong mundo.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |