|
||||||||
|
||
Tinukoy ni Xi, na sa kasalukuyan, mainam ang kalagayan ng pagpigil at pagkotrol sa COVID-19 sa Tsina, at unti-unting napapanumbalik ang normal na pamumuhay at produksyon.
Samantala, kumakalat aniya ang sakit na ito sa ibang mga bansa.
Ito aniya ay nagdudulot ng negatibong epekto sa kabuhayang pandaigdig, at bagong hamon sa Tsina.
Hiniling ni Xi, na palakasin ang pandaigdig na kooperasyon sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at pasulungin ang pakikipagkooperasyon sa World Health Organization.
Dapat aniyang isagawa ang pagmo-monitor sa kalagayan ng epidemiya sa buong mundo, at kumpletuhin ang mga hakbangin bilang tugon sa posibleng pagpasok sa Tsina ng mga may-sakit.
Hiniling din niyang ipagkaloob, sa abot ng makakaya, ang tulong sa mga may kinalamang bansa para sa paglaban sa COVID-19.
Sinabi rin ni Xi, na sa epekto ng mga elemento sa loob at labas ng bansa, lumalaki ang negatibong presyur sa kabuhayang Tsino.
Hiniling niyang, sa paunang kondisyon ng pagpapatupad ng mga hakbangin ng pagpigil sa epidemiya, pasulungin ang pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay at produksyon, at panatilihin ang kooperasyong panlabas sa kabuhayan at kalakalan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |