|
||||||||
|
||
Pagkaraan ng pulong, ipinahayag ng IOC, na bagama't kumakalat sa buong daigdig ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), hindi pa rin nagbabago ang nakatakdang iskedyul ng 2020 Tokyo Olympics na bubuksan sa darating na Hulyo ng taong ito.
Bilang tugon sa pagtutol ng bahagi ng mga manlalaro sa desisyong ito, sinabi ni Thomas Bach, Presidente ng IOC, na mayroon pang mahigit 4 na buwan para lutasin ang isyung ito.
Dagdag niya, binibigyang-priyoridad ng IOC ang kalusugan at kaligtasan ng mga manlalaro at pagpigil sa pagkalat ng sakit, pero dapat din isaalang-alang ang interes ng Olympic Movement.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |