Ayon sa query system ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang noong alas-6 kahapon ng hapon (American Eastern Standard Time), Marso 19, 2020, umabot sa 13,350 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika. Kabilang dito, 3,899 ang bagong naitala kumpara sa bilang noong Marso 18. Samantala, 188 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Ayon naman sa Ministri ng Kalusugan ng Pransya, hanggang kagabi, local time, 10,995 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansang ito, na mas malaki ng 1,861 kumpara sa gayon ding panahon kahapon. Samantala, 372 ang mga namatay.
Sa Italya naman, hanggang noong alas-6 kahapon ng hapon, local time, 41,035 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, at kabilang dito, 5,322 ang bagong naitala. 3,405 naman ang mga namatay.
Salin: Liu Kai